Wednesday, December 4, 2013

Lovin' the Ride!


If I am to rate my experience being an ALE fan, in a scale of 1-10…

The scale will be broken, hahaha. The experience is more than any perfect 10 out there. 

This fandom experience is like a roller-coaster ride. One of the books! Why?

Kung sa chat ko ikukumpara ang experience na to, kukulangin ang pinagsamang emoticons na pinauso ng Line at KakaoTalk. Oo, kahit pa isama yung emoticons na personalized for Sarah (not Cruz, at lalong hindi rin yung Mama Sarah ni Lotty at bestfriend ni Ermingard) ng KakaoTalk. Sige nga, bigyan ng tig-iisang emoticons ang sumusunod:


PRE-GAME JITTERS (feeling players, nakiki-jitters!)
Pag-malayo pa ang game, parang hindi makapag-hintay. Pag-malapit na ang season at may schedule na, masyadong excited at halos uratin na ang attendant sa Ticket.net dahil sa pangungulit kung meron na bang tickets (aminin n’yo ‘yan!). Kung may ticket na, shirshey naman ng bet na player ang aatupagin. Yung mga nasa mood career-rin ang pagiging faney; (sa mga ma-anda at may allotted budget) papagawa ng tarp o banner, (sa medyo kapos) gagawa ng sariling banner! Andun yung kaba before the team's game. Minsan mas masyadong feel ang moment at mas kabado pa kesa sa players (aminin n’yo ‘yan! part2) Sa mga hindi makakanood ng live, TV ang kakampi. Gagawing magic ang kailangang tapusin na trabaho dahil pag-nagsisimula na, “finish or unfinished; basta manonood ako at mamaya ka nang trabaho ka!” ang mantra. Sa mga papunta pa sa venue, magtu-tweet ng “on the way, so excited! Goodluck girls! #OBF” at kung traffic may dagdag pa na “oh traffic pls be god to me” at kung may traffic talaga maglilitanya ng “Gosh! Pahamak tong traffic na toh! Masyadong bitch!” at kung malala na talaga yung traffic na halos wala ng galawan ang sasakyan, wala! Labo-labo na, sisisihin na ang sistema ng pang-gobyerno (aminin n’yo ‘yan! part 3) hahahaha


DURING THE GAME (mas feel na feel natin tong part na toh!)
Official warm-up pa lang tutok na. Magsa-status ng “they’re warming up already” sabay twitpic (taas kamay ng nakarelate!). Pag-introduction na ng line-up inaabangan ang pangalan ng idol para tyempo ang sigaw at pagwagayway ng pinaghirapang banner, hahaha. Pag simula na talaga ng game, kagulo nah! Ultimate multi-tasker na ang peg! Game analyst, fan, referee, Coach, cheerleader, supporter, taga-mura ng referee, gustong pumalit sa referee, nag-iisip kung paano abangan ang referee, gusto na maging referee, gusto na mag-set, gusto na siya mismo ang magsa-spike, (at higit sa lahat, aminin n’yo ‘yan! part 4) gusto na sumanib yung kaluluwa nila sa bola para manalo ang team--- all rolled in one!

Pag-talo malungkot. Pero pag-panalo, ecstatic naman!

Pag-talo, aaluin ang sarili sabay tweet ng “it’s okay girls, bawi next game, mahal pa rin namin kayo! #OBF”

Pag-panalo, hyper at energized, mag-sa-status ng “great game girls! Congrats!” 

But one thing is for sure, ke panalo o talo, di bale nang maipit sa sikip o masiko o matulak basta makasiksik lang at maka-pwesto para mag-abang sa exit, parking lot o pag-mas maabilidad, sa dug-out, hahaha. Di bale nang gabihin, basta naka-abang quits na (buhay faneeey).

See? Maraming emoticons ang magiging casualty!


Another factor that makes it a roller coaster ride is the consistency and loyalty of haters. Career kung career! 

Yes, deserving to be given the “Kuma-Career Lifetime Achievement Award”, tatalunin pa yata yung naging KalokaLike champions sa pagiging career!


May kina-career ang pagiging official error counter.

May mga game analysts na kung maka-react talo pa kaming fans.

May mga acting Nostradamus din, may mga say sa mangyayari in the future.


Consistent din sila, FYI! Every year nalang binabalitang may nabubuntis na ALE. Una si Aerieal Patnogon, kaya daw hindi nakapaglaro. The next year si Jem Ferrer naman ang buntis umano. The following year si Greta Domingo este Ho pa pala (hahaha), kaya daw pumuntang Japan! And the most recent pregnant ALE diumano ay si ninjang Fille Cainglet, kasi daw tumaba. Ang mas nakakatawa, si Kiefer daw ama! Hahahahahahahahaha


Nakakapagtaka lang, sa nabubuntis na ALE bawat taon wala naming ini-ereng anak. Ano yun nailabas lang nila in the form of sweat during training? O in the form of human waste? O parang kabag lang na inuutot? Hahahahahahaha

Kung totoo man ‘yan, eh di hindi na hassle ang scouting at recruitment ng rookies. Sa nabubuntis ba naman bawat taon eh makakabuo na ng sariling team, generation to generation lang, offsprings kumbaga.


Sa totoo lang imbis na mainis, comic relief ang turn-out of events. Kaya nga nabuo tong blog entry na toh!

But on a serious note, it takes much courage to be an ALE fan. One must be brave enough to overcome the fright of a roller coaster sight. One must surpass the early jitters upon seeing a roller coaster. Conquer the odds they say. Just like this, if ever this is true, http://t.co/oK6m0mV8t0 (P.S. lakas mo kasehng maka Dear Charo (not Soriano) moment, kaya humanda ka at ipinapahanap ka na namin sa NBI)

All of those written above plus our imperfection as a supporter adds the thrill on this ride. The thrill of riding a roller coaster when it starts to bring you up… and when you are up there enjoying the view suddenly it brings you down… And up again… Then down again… Then up… Then down… Again and again. Until it’s over.


If I were to be given an option whether I’ll take a ride again or try other rides? Despite the hassle and mix of emotions and the sudden ups and downs, I will still choose to ride the roller coaster. 

My reason…

Everything will be worth the ride.

I’m sure, I’ll be lovin’ the ride. <3









No comments:

Post a Comment